WINNERS OF 2009 DON CARLOS PALANCA AWARDS IN LITERATURE ANNOUNCED!

WINNERS OF 59TH DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS IN LITERATURE!

by Philstar

The Carlos Palanca Foundation announced yesterday 55 winners in this year’s Carlos Palanca Memorial Awards for Literature as well as the newest members of the Hall of Fame of the prestigious prize.

The 2009 Palanca Hall of Fame awardees are essayist Reuel Molina Aguila and poet Eugene Evasco, both professors at the University of the Philippines.

Aguila won his fifth first prize for his piece “Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako” under the Sanaysay (essay in Filipino) category.

Evasco also received his fifth first prize for “May Tiyanak Sa Loob Ng Aking Bag” under the newly introduced category, Tulang Isinulat Para Sa Mga Bata (poetry for children).

The Palanca Hall of Fame is the distinction given to winners in the literary competition who have won five first prizes in the annual awards, and who, at the same time, have consistently met the critical standards of the various boards of judges, and have maintained a reputation in literary circles worthy of peer recognition.

The foundation said 62 percent of this year’s awardees are first time winners.

National Artist for Literature Bienvenido Lumbera was also conferred the Palanca Awards Gawad Dangal ng Lahi during the gala ceremonies held at The Peninsula Hotel Manila in Makati City.

Established in 1950 to honor Don Carlos Palanca Sr., the country’s most prestigious and longest-running literary contest “aims to help develop Philippine literature for writers to craft their most outstanding literary work; to be a treasury of the Philippines’ literary gems from our gifted writers; and to assist in its dissemination to the public, especially the students.”

The complete list of winners in the 59th Palanca awards:

Filipino Division

Dulang May Isang Yugto

1st – Layeta P. Bucoy (Doc Resurreccion: Gagamutin ang Bayan)

2nd – Liza C. Magtoto (Paigan)

3rd – Jose Dennis C. Teodosio (Asunto)

Sanaysay

1st – Reuel Molina Aguila (Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako)

2nd – Jing Panganiban-Mendoza (Kumander)

3rd – Domingo G. Landicho, PhD (Kamay)

Tulang Isinulat para sa mga Bata

1st – Eugene Y. Evasco (May Tiyanak sa Loob ng Aking Bag)

2nd – Jesus M. Santiago (Kuwentong Matanda, Bersong Bata)

3rd – Michael M. Coroza (Munting Daigdig ng Dalit at Awit)

Kabataan Essay

1st – Axcel L. Trinidad (Si Ate Elsa, Si Aling Carmen, at Ako Laban sa mga Nangungunang Bansa sa Mundo)

2nd – Johanna Rose E. Calisin (Nagkakaisang Isip, Damdamin at Lakas)

3rd – Maya Victoria S. Rojas (Humabol Ka, Pilipino!)

Dulang Ganap ang Haba

1st – Rodolfo C. Vera (Ismail at Isabel)

2nd – Reuel Molina Aguila (Sa Kanto ng Wakas at Katotohanan Ext.)

3rd – Sir Anril P. Tiatco (Miss Dulce Extranjera)

Maikling Kuwento (Short Story)

1st – No Winner

2nd – Rogelio Braga (“MGA”)

3rd – Jimmuel C. Naval (Ang Kamatayan ng Isang Linggo)

Tula

1st – Reagan R. Maiquez (Ilang Sandali Makalipas ang Huling Araw ng Mundo)

2nd – Alwynn C. Javier (Yaong Pakpak na Binunot sa Akin)

3rd – Charles B. Tuvilla (Sambutil na Daigdig sa Ilalim ng Pilik)

Maikling Kuwentong Pambata

1st – Genaro R. Gojo Cruz (Mahabang-mahabang-mahaba)

2nd – Michael M. Coroza (Ang mga Kahon ni Kalon)

3rd – Milagros B. Gonzales (Ang Nanay Kong Lola)

Dulang Pampelikula

1st – Seymour Barros Sanchez & Christian M. Lacuesta (Hiwaga)

2nd – Jerry B. Gracio (Muli)

3rd – Enrique Ramos (Moonlight Over Baler)

Regional Division

Short Story – Cebuano

1st – Corazon M. Almerino (Sugmat)

2nd – Richel G. Dorotan (Biyahe)

3rd – Ferdinand L. Balino (Mga Mananap sa Kagabhion)

Short Story – Hiligaynon

1st – Ferdinand L. Balino (Kanamit Gid Sang Arroz Valenciana)

2nd – Alice Tan Gonzales (Baha)

3rd – Joselito Vladimir D. Perez (Ang Santo Intiero)

Short Story – Iluko

1st – Danilo B. Antalan (Vigan)

2nd – Ariel S. Tabag (Dagiti Ayup Iti Bantay Quimmallugong)

3rd – Reynaldo A. Duque (Ti Kararua Ni Roman Catolico, Mannaniw, Nga Immulog Iti Impierno)

English Division

Full-length Play

1st – No Winner

2nd – No Winner

3rd – Floy C. Quintos (Fake)

One–act Play

1st – No Winner

2nd – No Winner

3rd – Violet B. Lucasi (Balangao)

Kabataan Essay

1st – Cristina Gratia T. Tantengco (The Benefits of Selflessness)

2nd – Vincen Gregory Y. Yu (Dreams and Pastures)

3rd – Angelita A. Bombarda (On Being Filipino: A Citizen to the World)

Poetry

1st – Vincenz Serrano (The Collapse of What Separates Us)

2nd – Eliza A. Victoria (Reportage)

3rd – Mark Anthony R. Cayanan (Placelessness: Poems from a Series)

Poetry Written for Children

1st – Edgardo B. Maranan (The Google Song & Other Rhymes for Children)

2nd – Heidi Emily Eusebio Abad (Child of Earth Poems)

3rd – H. Francisco V. Penones Jr. (Turtle and Other Poems for Children)

Short Story

1st – Sigfredo R. Iñigo (Home of the Sierra Madre)

2nd – Anne Lagamayo (Mr. & Mrs. Reyes and the Polka-dotted Sofa)

3rd – Luis Katigbak (Dear Distance)

Short Story for Children

1st – Kathleen Aton-Osias (Apolinario and the Name Trader)

2nd – Edgardo B. Maranan (The Artist of the Cave)

3rd – Paolo Gabriel V. Chikiamco (Dear Mr. Supremo)

Essay

1st – Edgardo B. Maranan (A Passage Through the Storm)

2nd – Erlinda Enriquez Panlilio (Saying Goodbye to the House)

3rd – Maria Teresa P. Garcia (Sweet of the Earth)

Hall of Fame Awards for 2009

Reuel Molina Aguila

1992- “How I Spent My Summer Vacation o Kung Papaano Ko Ipinaliwanag Sa Aking Mga Anak Ang Pagkatalo Ng Aking Kandidato Sa Nakaraang Eleksyon,” Sanaysay

1993- “May Katulong Sa Aking Sopas,” Sanaysay

2001- “Ampalaya,” Futuristic Fiction-Filipino

2005- “Baligho (Ikatlo sa Trilohiya),” Dulang Ganap Ang Haba

2009- “Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako,” Sanaysay

Eugene Y. Evasco

2000- “Ang Maisisilid Sa Pandama,” Tula

2000- “Hilong Talilong,” Maikling Kuwentong Pambata

2001- “Mga Pilat Sa Pilak,” Sanaysay

2005- “Tag-Araw Ng Mga Ibong Hilaga,” Maikling Kuwentong  Pambata

2009- “May Tiyanak Sa Loob Ng Aking Bag,” Tulang Isinulat Para Sa Mga Bata

58 mga puna

  1. martin love lorwie

  2. kelan po ba ang susunod na contest?

    • April 30, 2010 ang deadline. You can submit your entries starting January next year.

      Annoucement of winners is on Spetember 1, 2010.

  3. magaling!

  4. pls also include the specific region/s and places of origin of the winners for students

  5. pls also include the region or place of origin of the winners for the students

  6. How much was the prize money for the awards? This is for my research paper. Thanks.

  7. Ilang Entries ang pwede?

  8. saan po ba makikita ang mga article o kabuuan ng mga nanalong sanaysay?

    • pwede po bang malaman kung paano at saan makikita ang mga articles niyo?

  9. simple lang ang gusto ko….

    sana mabasa ng lahat ang laman ng utak ko….

    -animnablanco-

  10. hehe..al lng…

  11. sayang! di nka abot ang entry q! huhuuhhhuhu

  12. Hey, allenz, anong ecategory ba ang gusto mong salihan….. hehe, nakatsamba ako ngayon sa Planaca Awards 2010. I won both first prize in the Kabataan Sanaysay and Mailing Kuwentong Pambata categories……. grabe, dream come true ko talaga toh,kahit 17 years old lang ako, naka dalawang awards ako.sana sumali ka next year.sa March 1-April30, 2011 contest ng Palanca..

    • pano mo nalaman na nanalo ka?

      • tinawagan na ko ng Palanca ng August 16 that I won,,,,,,tapos nagpadala sila ng letter and program…but the announcement of winners for the public is every September 1……sali ka next year ah….

      • wow ang galing naman, lam mo pngarap ko rin mkapagsulat, kaso medyo malayo pa ang katuparan, kc i’m busy in my study ryt now

      • hehehe, alam mo kasi, gustong-gusto ko talaga magsulat. I’m currently taking Electronics Engineering, ang layo no? hehe, ang pagsali sa palanca ang siya kong ginagawang annual summer activity. sobrang sarap ng feeling kapag nakasali dun, manalo man o matalo, at least nakapag-participate. hehe, im currently working on my next entry for the TUlang PAmbata category……..sali ka rin if you have time.

    • im a student po kuya na ngreresearch tungkol sa palanca awards winner napili ko po ung pyesa nyo ..kse po wla po ako mhanap na biography nyo .. pde nyo po b ko m2lungn 2ngkol po sa biography nyo khit po konti .. maraming salamat po congrtazz

  13. helow
    panu po ba makakakuha ng kopya ng mga maikling kwento na nanalo sa gawad palanca
    pls paki send nlng po s email q
    o kaya if meron po kau kopya khit anu basta 1995-2009 lng
    pasama n din pomung author at niography nya
    un lng po
    thanks
    nid q lng tlg s projek q
    plzzzzzzzzzzzzzzzz
    send s email q

    • punta ka sa palancaawards.com

  14. biography po
    author
    at kelan xa nanalo
    plzzzzzzzzzzzzz

  15. hey arvier, ano bang category yung gusto mo for the years 1995-2oo9? wala kasi akong soft copy….but all of the winning works are compiled in the Foundation Library of Palanca sa McKinley Road, Tagiug City…taga saan ka ba? bakit mo kailangan? hindi mo naman nilagay yung email ad mo eh……

    sori, ngayon ko lang nabasa yung post mo….reply ka asap!

  16. good job poh!!

  17. ang ilang entries poh ai hndi mxado lumalabas sa internet..
    kelangan poh nmin ng biblography at ang copya ng palanca entry n napanalunan..kelangan poh nmin ng kopya..plzz/ salamat poh..

    • ganun talaga yun, ang ibang entries ay hindi nada download sa website ng palanca kasi depende yun saa writer. sa entry form ng pagsali sa contest ng palanca, nakalagay dun kung gustong ipa download ng writer o hindi yung workna yun kung sakaling mananalo yun……gaya nung sa winning work ko sa Kabataan Sanaysay category entitled “GUlayan Klasrum”, hindi yun nadadownload kasi nilagay ko sa entry form na ayaw kongipa download….

      ano-ano bang kopya ang gusto mong magkaroon,,,,,baka meron ako….lagay mo email address mo dito

      • bakit ayaw mong ipadownload?

      • wala lang, gusto kong itry kung toto ngang hindi nada-download kapag nilagay ko dun na ayaw kong ipa-download…..pero yung isa ko pang winning work eh nadadownload, yung sa MAikling Kuwentong PAmbata category…

  18. Paano po ba makakakuha na script sa mga dulang nanalo? Gagamitin ko po sana sa dula-dulaan namin.

  19. pwede po b mkahingi ng kopya ng “ang nanay kong lola”
    kailangan lang po kasi nmin sa aming asignatura…
    maganda po kasi ang kwentong ito….
    salamat po…

  20. Ang Nanay Kong Lola

    Labing isang taon na ako. Maganda at maraming nagkakacrush. Dalawang taon na lamang, teen-ager na ako.
    Sabi ni Nanay, huwag daw akong magmadaling magdalaga. Minsan lang daw kasi ako maging bata.
    E bakit ba? Gusto ko na nga e. Masama bang magsuot ng sandals na may heels? Maglip gloss at mascara?
    Sawa na nga akong maglaro ng Barbie at Bratz dolls e. Mas gusto ko pang magtext o sumama sa mga classmates ko sa mall.
    Kill joy nga sina Nanay at Tatay. Ayaw nila akong gumagala kung saan-saan. Delikado daw kasi ang panahon.

    Ilang buwan na lang gagraduate na ko sa elementary. Bising-bisi nga sa school sa pagprapractice ng aming graduation number. Sabi ni Teacher, third honor daw ako.
    Binalita ko kay Nanay.
    “Talaga?” , tuwang-tuwang sambit niya. “Naku, dapat maganda ang damit at sapatos mo. Honor ka pala!”
    Excited naman masyado Nanay ko. Para namang siya ang gagraduate. Sa totoo lang, ayoko siyang umakyat sa stage. Kasi mukha na siyang lola.
    Tinutukso nga ako ng mga classmates ko, minsang pumunta ang Nanay ko sa school.
    “Susie, lola mo?”
    “Hanap ka ng lola mo, Susie.”
    Bakit kasi si Nanay, mukhang lola na? Ang ibang nanay ng mga classmates ko, seksi at
    bata pa. Si Nanay, mataba na, puti pa ang buhok! Ayoko tuloy siyang pumupunta sa school.
    “Nanay, magpakulay ka na ng buhok,” minsan kong sabi sa kanya. “Tinutukso na ako sa school e.”
    Tiningnan niya lang ako at tumalikod.

    Isang araw, tinawag ako ni Nanay. “Susie, halika. May ipapakita ako sa iyo,” nakangiti niyang tawag sa akin.
    Inalis niya sa malaking supot ng SM ang isang puting damit na may mga rafols.
    “Panggraduation mo,” sabay abot niya sa akin.
    Itinaas ko ang damit. Inilapat ko sa aking katawan. Hindi ko napigilan ang bibig ko.
    “Ayoko nito, Nay. Ang pangit!”
    “Pero mahal yan! At bagay mo naman! Isukat mo kasi para makita mong mabuti ang lapat sa iyo,” pilit ng Nanay ko.
    “E, Nay, ayoko talaga ito. Hindi ko bagay,” sabay kong balik sa kanya ang damit at pumunta ako sa kwarto na mangiyak-ngiyak.
    Bakit kasi siya nangingialam? Ang pangit ng taste ni Nanay. Pangmatanda. Pagsusuotin ba naman ako ng damit na maraming lace at rafols. Hindi na ako bata, ‘no?

    Hindi ako kumain ng tanghalian kahit anong pilit ni Nanay. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi ako aattend ng graduation kapag yun ang damit ko. Bakit kasi hindi niya ako isama sa pamimili ng damit. Ako ang magsusuot nuon.
    Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto matapos ang tatlong oras. Kumukulo na kasi ang tiyan ko. Kukuha ako ng pagkain sa ref. Narinig kong nag-uusap sina Nanay at Tatay.
    “E bakit kasi binilhan mo na siya ng damit? Isinama mo na sana siya sa mall. Alam mo naman yang anak mo. Pangdalaga na ang taste.”
    Sige Tatay, ipagtanggol mo ako sa Nanay kong lola, tuwa kong sabi sa sarili ko.
    “Kasi, gusto ko siyang isurprise. Akala ko naman, matutuwa siya. Libo pa naman yang damit na iyun!”
    Yak! Libo na yun? Buti nga sa kanya, pinapangunahan niya kasi ako.

    Isinama ako ni Tatay sa mall. Ako ang pumili ng graduation dress ko. Mas maganda, mas bagay sa akin. Hindi sumama sa amin si Nanay. May gagawin daw siya.

    Ilang araw na lang. Graduation na Si Nanay excited Bumili na rin siya ng kanyang damit. Binilhan na rin niya si Tatay.
    Nang binigay na sa amin ang Graduation Program, inabot ko ito kay Nanay.
    “Nay, si Tatay ang magsasabit ng medal ko ha? Ayaw kita kasi tutuksuhin na naman ako ng mga classmates ko. Magpakulay ka na rin ng buhok, Nay, para naman bumata ka naman”.
    Hindi kumibo Nanay ko. Binuklat lang niya at binasa ang Program.

    Graduation ko na . Magpapaayos ako sa parlor kasama ko ang classmate at bestfriend ko. Makikisabay din ako sa kanila pagpunta sa school. Bigtime kaya siya. Pajero ang sasakyan nila. Sunod na lang sina Tatay at Nanay sa akin sa school.
    Pagdating ko sa school, ang daming pumuri sa akin. Ang ganda ko raw. Dalagang-dalaga na raw ako. Tuwang-tuwa naman ako.

    Marami na ang tao sa school. Mga parents, students, teachers, pero bakit wala pa sina Nanay at Tatay. Kinabahan ako. Wala akong makakasama sa graduation march.
    “Where are your parents, Susie,” tanong ni Teacher habang inaayos niya kami sa linya.
    “Teacher, ewan ko po. Tinext ko na nga po pero walang reply.”
    Talaga itong si Nanay at Tatay, ang bagal-bagal kumilos. Kinakabahan na ako. Wala akong kasamang magulang.. Nag-uumpisa na ang graduation march.
    Maya-maya ay humihingal na tumatakbo si Tatay. Tumabi sa akin.
    “Ang tagal-tagal niyo! Saan si Nanay?”, tanong ko kay Tatay.
    “Hindi siya makakasama. Dinala ko siya sa clinic dahil nagka-allergy siya sa hair dye na ginamit sa kanya kanina.”
    Nagpakulay ng buhok si Nanay? Bakit siya nagka-allergy?
    “Sabi ko kasi sa kanya na huwag na siyang magtina at may allergy siya duon. Matigas ulo ng Nanay mo, tulad mo rin.”
    Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Nanay. Ako ang nagsabi sa kanya na magkulay siya ng buhok.
    Nag-iisa si Tatay sa graduation ko. Gustong-gusto pa naman ni Nanay na mapanuod ako sa stage. Naawa ako bigla sa kanya.
    Naalala ko na si Nanay pala ang kasama ko sa paggawa ng mahihirap na projects ko. Nuong Grade 1 hanggang Grade 4 ako, ginagawan pa niya ako ng reviewer sa exam. Siya pa ang gumagawa ng assignments ko kapag tinatamad ako. Pati pagkopya ng mga notes ng classmates ko kapag absent ako, siya ang gumagawa.
    Dapat kasama ko si Nanay ngayon dito. Gustong-gusto niya akong makitang makagraduate. Siya dapat magsabit ng medalya ko
    Isa-isa nang tinatawag ang mga honors ng grade six. Nang tinawag ang pangalan ko, kasama ko si Tatay. Tuwang-tuwa siya. Isinabit niya ang medal ko. Picture, picture, shake hands sa guest at mga teachers.
    “O, bakit, wala kang kibo bigla,”tanong ni Tatay.
    “Sana nandito si Nanay,” sagot ko.
    Nagpaalam ako pumuntang CR kasi naiiyak na talaga ako. Kawawa naman Nanay ko. Kung hindi ko siya ikinahihiya, di sana nandito siya.

    Uwian na. Pagdating namin sa bahay, maraming tao.
    “Naghanda, Nanay mo kaya maraming tao,” sabi ni Tatay.
    Binati ako nina Lolo at Lola, mga pinsan, kaibigan at kapitbahay namin. Tuwang-tuwa sila.
    Si Nanay… nakita ko siya na suot ang damit na binili niya para sa graduation ko. Magang-maga ang mukha niya sa allergy.
    Lumapit ako sa kanya. Hinubad ko ang medalya ko at inabot sa kanya, “Para sa iyo, Nay. Pinaghirapan natin it, ‘di ba?.” At saka ko siya niyakap.
    Ngumiti si Nanay. Lalong sumingkit ang mga mata niyang maga. Niyakap din niya ako nang mahigpit.
    ***

  21. ANG MGA KAHON
    NI KÁLON

    Lahok sa Dibisyong Filipino
    Kategoryang Maikling Kuwentong Pambata
    Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature

    2009

    =====================================================================

    Sinopsis

    Kargador sa piyer ang tatay ni Kalon kaya’t lumaki siyang napaliligiran ng iba’t ibang kahon na iniipon ng kaniyang tatay para ipagbili. Ang mga kahong ito ang naging laruan niya sa kaniyang paglaki sa bahay nilang parang kahon din lamang. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang tatay niya. Buo sa loob nitong iahon sa hirap ang kanilang pamilya, nagsikap itong makapunta sa Dubai upang maghanapbuhay.
    Parang himala, nakalasap si Kalon ng kaginhawahan nang makapagtrabaho sa Dubai ang kaniyang tatay. Ang mga kahong walang laman na dati niyang laruan ay napalitan ng iba’t ibang kamangha-manghang kahon na padala ng tatay niya.
    Mahal na mahal at labis na ipinagmamalaki ni Kalon ang kaniyang tatay. Nagsikap siya upang masuklian ang paghihirap na tinitiis nito para magkaroon lamang sila ng maginhawang buhay hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang kahon.

    =====================================================================

    N
    oong sanggol pa si Kalon, ayon sa kuwento ng nanay niya, parang kahong walang laman ang bahay nila. Ipinaghehele siya ng kaniyang nanay sa malalapad na karton na dáting kahon ng mga láta ng sardinas at instant noodles. Walang ibang sapín na nakalatag sa sahig maliban sa karton kayâ habang natutulog, ginagapangan at nákakagát si Kalon ng kung ano-anong insekto.
    Kargador sa piyer ang tatay niya, maghapong nagbubuhat ng marami at kay lalakíng kahon. Tuwing umuuwi ito sa hápon, tadtad ng paltos at pasâ ang balikat, braso, at palad. Ngunit nagagawa pa rin nitong kalungin, kantahán, at isayaw-sayaw si Kalon.
    Bago siya ilapag sa higáang karton, madalas na ibinubulong sa kaniya ng tatay niya: “Susuwertihin din tayo, anak. Pangako, hindi ka palálakihín ng tatay at nanay sa hírap.”

    N
    atutong gumapang, manimbang, at maglakad si Kalon sa apat na sulok ng bahay nilang parang kahon. Nilalaro niya sa maghapon ang malalaki at maliliit na kahong iniipon at ibinebenta ng kaniyang tatay. Pinagpapatong-patong niya hanggang sa maging matangkad pa sa kaniya ang maliliit na kahon ng sapatos.
    Madalas, hindi siya makita ng kaniyang nanay kung pakakainin o paliliguan na siya. Sinasadya niya kasing pumasok sa isa sa malalaking kahon para magtago. Nagugulat ang kaniyang nanay kapag binubulaga niya ito sa paglabas niya sa kahon.
    Minsan, natabunan siya ng mga kahon habang abalá ang nanay niya sa paglalaba. Nataranta pati ang mga kapitbahay sa lakas at tagal ng kaniyang pag-iyak.

    N
    oong maglilimang taon na siya, natanggap na magtrabaho sa Dubai ang kaniyang tatay. Napahagulgol ang nanay niya dahil matatagalan daw bago ito makauwi. Napahikbi rin si Kalon dahil mawawalay siya nang matagal sa kaniyang tatay. Hahanap-hanapin niya ang pagkalong, pagkanta, at pagsasayaw nito sa kaniya tuwing umuuwi ito sa hápon sa bahay nilang parang kahon.
    Bago sumakay sa eroplano ang kaniyang tatay, bumulong muna ito sa kaniya: “Ito na ang suwerte natin, anak. Maipadadala na ni tatay sa iyo ang lahat ng kailangan mo.”
    At para ngang milagro! Apat na buwan pa lamang halos mula nang mangibang-bansa ang kaniyang tatay, may dumating nang malaking kahon sa harapan ng kanilang bahay. Padala ito ng kaniyang tatay sa kaniyang ikalimang kaarawan.
    Kinailangan pang baklasin ang pinto ng bahay nila upang maipasok ang napakalaking kahon. Napangangá pati ang mga kapitbahay nilang nag-uusyoso nang buksan ang laman nito: isang malapad na káma na may magkapatong na malambot na kutson. Halos magdamag na tuwang-tuwang nagtatalón si Kalon sa malambot na kutson.

    M
    ula nang mangibang-bansa ang kaniyang tatay, lagi nang masarap ang kanilang kinakain. Nagpadala ang kaniyang tatay ng malaking kahong putî na imbakan ng kanilang mga pagkain. Tuwang-tuwa siyang buksan ang kahong ito. Maliwanag, mabango, at pagkalamig-lamig ng loob nito.
    Hindi na rin laging abalá ang nanay niya sa paglalaba. Inilalagay lamang ng nanay niya ang mga damit sa isang malaking puting kahon na punô ng mabula at umiikot na tubig. Mabilis na lumilinis at natutuyo ang kanilang mga damit.
    Kapag umaalis ang kaniyang nanay, hindi na siya naiinip sa paghihintay. Nakaaaliw panoorin sa isa pang kahong padalá ng kaniyang tatay ang sari-saring larawang gumagalaw na may tunog na nagpapapitlag at musikang nagpapaindak. Madalas na nagsisiksikan sa pagsilip sa bintana ng bahay nilang hindi na parang kahon ang marami sa mga kapitbahay nila. Nakikipanood ng magandang palabas.
    Halos buwan-buwan silang nagpupunta ng nanay niya sa mall. Ibinibili siya nito ng kahon-kahong damit, sapatos, at laruan. Nang huling mamasyal sila doon, ibinili siya ng nanay niya ng bag, notbuk, lapis, papel, at mga libro. Ibinili rin siya ng unipormeng pampaaralan. Mag-aaral na raw kasi siya sa pasukan.

    P
    agsapit ng Hunyo, tinanggap sa prep si Kalon. Gamit ang makukulay na bloke na parang matitigas na kahong may nakasulat na numero at letra, madali siyang natutong magbilang at magbasa. Binibilang-bilang niya ang mga kahong may numero sa kalendaryo kung ilang araw pa bago umuwi ang kaniyang tatay. Sa tulong ng nanay niya, dahan-dahan niyang binabasa ang kahon-kahong liham na padala ng kaniyang tatay. Alam niyang matutuwa ang tatay niya kung masusulatan niya ito. Kaya’t sa tulong din ng kaniyang nanay, nasulat ni Kalon ang liham na ito:
    Mahal kong Tatay,
    Kumusta po?
    Salamat po sa mga kahong padala ninyo po.
    Mahal ka po namin ni Nanay.
    Sana uwi ka na po.
    Nagmamahal,
    Kalon

    M
    asayang-masaya si Kalon sa paaralan. Sa isang leksiyon sa klase, tinalakay ng kaniyang guro na ang mga manggagawang Filipino na nangingibang-bansa ay mga Bagong Bayani ng Filipinas. Hindi man sila naghandog ng buhay na gaya nina Jose Rizal at Andres Bonifacio, nakatutulong sila sa paglaya ng bayan mula sa kahirapan.
    Buong pagmamalaking nagtaas si Kalon ng kamay at nagsalita, “Mam, bayani po pala ang tatay ko!”
    “Tama,” tugon ng guro. “Kaya dapat kang mag-aral nang mabuti upang masuklian mo ang mga paghihirap ng tatay mo sa ibang bansa. Tinitiis niyang mawalay nang matagal sa inyo ng nanay mo para mabigyan ka ng maginhawang buhay. Mahal na mahal ka ng tatay mo, Kalon.”
    “Talaga po!” taas-noo at nakangiting sabi ng halos mapatalon na si Kalon.

    N
    ang minsang umuwi si Kalon mula sa eskuwela, naabutan niyang umiiyak ang kaniyang nanay. May hawak itong sulat na tila paulit-ulit na binabasa. Agad siyang niyakap nito nang lumapit siya para magmano.
    “Anak, sana maintindihan mo ang sasabihin ko,” ang humihikbing winika ng kaniyang nanay.
    “Bakit po, Nanay?” ang kinakabahang tugon ni Kalon.
    Hindi napigilang mapahagulgol ng nanay niya at habol ang hiningang sinabi nito sa kaniya: “May nangyaring masama sa tatay mo.”
    Hindi malaman ni Kalon kung ano ang itutugon. Hindi man niya lubos na naiintindihan ang sinasabi ng nanay niya, biglang nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Niyapos niya nang mahigpit ang kaniyang nanay. Mahigpit na mahigpit.

    K
    inabukasan, hindi pumasok sa eskuwela si Kalon. Isinama siya ng kaniyang nanay papuntang paliparan. Habang nasa taxi sila, tahimik na pinag-iisipan ni Kalon ang mga pangyayari. Ayon sa sulat na natanggap ng kaniyang nanay, nadaganan ng isang malaking kahon sa bodega ang tatay niya.
    Matagal na niyang inaasam, ipinagdarasal, at hinihintay ang pag-uwi ng tatay niya. Magandang regalo sana ito sa kaniyang nalalapit na ikapitong kaarawan. At alam niyang mahal na mahal siya ng kaniyang tatay.
    Mula sa kinatatayuan nilang mag-ina, natanaw ni Kalon ang kahong bitbit ng apat na tauhan ng paliparan. Habang papalapit nang papalapit, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Kalon. Iyon ang kahong hindi niya malilimot kailan man.

  22. pwedeng makakuha po ako ng script ng “baka sakali by jose dennis teodosio” ?

  23. pwede humingi ng kpya ng sanaysay na nanalo sa palanca 2007?

  24. nabasa ko ang “home on the sierra madre” ni G. Sigfredo Inigo at talagang napakaganda naman talaga. Napakahusay ng pagkagawa.Naipakitang tunay kung gaano kasaya ang mamuhay sa simpleng pamumuhay. Wala na akong iba pang masabi kundi “Excellent!”.

    • wow, i have a copy of that story, but haven’t read it yet. ipa-pRINT ko nga….

  25. Paano at kailan ang huling submission ng Palanca for 2011? saan makakahanap ng guidelines? salamat po.

  26. hi po! patulong naman po sa proj. ko nid ko po kasi ng dalawang tula ng nanalo sa palanca kahit anong yr. po.. plz po??????? paki help namn me.. di ko po kasi alam kung san hahanapin.. search po ako ng search di ko makita sa net.. kaya plz poh? tanx po sa pwedeng mka help…

  27. pwede po bang mahingi ang sanaysay ni kristina javier na wahahahahaha. thnx po

  28. pwede po ba humingi ng kopya ng wahahahahahahahaha ni kristina javier?kailangan ko lang po para sa report ko..salamat po..

  29. elow po pahelp naman po ako plzzzzzz! need ko lang po ung buong story ng ANG KAGILAGILALAS NA PAGLALAKBAY NINA MUMO AT AM-I NI RENERIO R. CONCEPCION. PLZ PO MALAKI PO MAITUTULONG NYO PO SAKIN project po kc nmin sa filipino 115

  30. pwede pahingi ng mga example ng kwento buod lang po thank you…?

  31. pwede po b mkahingi ng kopya ng “Mga Pilat sa Pilak”
    sanaysay po ni G. Eugene Evasco
    kailangan lang po kasi nmin sa aming asignatura…
    salamat po…

    paki send nalang po sa email q
    leinyermagbag@yahoo.com

    salamat po ulit..

  32. pwd pahingi ng copya ng akda ni jimuel c. naval at ang kanyang buhay salamat.

  33. MERON PO BA KAYONG POETRY WRITTEN FOR CHILDRENS IN THE YEAR 1995 AND 1996 PALANCA AWARDS?.. KC HANAP NG HANAP PO AKO S NET WALA AKO MKITA. PLS EMAIL NYO PO SAKIN IF MERON KAU. ETO PO EMAIL ADD KO cherrie_alphecca@yahoo.com. MARAMING SALAMAT PO

    • Ang kategoryang ito ay nag-umpisa lang nitong 2009!

  34. oahimge nga po ng copy ng palanca awards short story nun2009 plzzzzzzzzzzzzzzz.

  35. pwede po pahingi ng isang maikling kwentong nanalo, kung kailan at sino ang may akda…kailangan lang po sa project..pls..

  36. pls…pls,,pls…

  37. magandang araw po sa lahat gusto ko po makakuha ng mga tulang nanalo sa award na ito sana po ay tulungan nyo ako sa aking proyekto kung maaari lang po paki email po sakin sa dedioscarlo@yahoo.com kahit anong tula po salamat po sa pag tulong… Godbless..

  38. pwede puh bang humingi ng kopya ng script ng dula dulaan na nanalo sa palanca awards ? send niyo nalang po dito sa email. n to micinah_14@yahoo.com kung ayaw pu jan sa fb sya rin po eamil ko…

  39. Hi! This is the third time visiting now and I just wanted to say I truley relish reading through
    your blog site. I have decided to bookmark it at
    stumbleupon.com with the title: WINNERS OF 2009 DON CARLOS PALANCA
    AWARDS IN LITERATURE ANNOUNCED! Pinoy Panitikan (Mga Manunulat
    ng Bagong Henerasyon!) and your URL: http://pinoypanitikan.
    wordpress.com/2009/09/02/winners-of-2009-don-carlos-palanca-awards-in-literature-announced/.
    I hope this is fine with you, I’m trying to give your fantastic blog a bit more publicity. Be back soon.

  40. Here you can find all kinds of Health and Personal Care Appliancesphilipsbrush.

  41. Paano ko po mahahanap yung mga sanaysay na nanalo sa Palanca Awards? Nag uupgrade pa po kasi ang kanilang page. May ibang page pa po ba na pwedeng makatulong sakin upang makakuha ng kopya ng mga kailangan ko?


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng puna