Kiliti Sa Gabi

by Demogargon Saatbarmald, Copyright 2008.

Napakasayang isipin

Na habang ika’y nahihimbing

Sa iyong mga panaginip

Ako’y naririto, nagpaparamdam

Hindi mapakali

Gustong gumapang

Sa iyong maputing kutis

Takam na takam

Sa iyong malaboteng katawan

Ako’y nababaliw

Sa iyong halimuyak

Ako’y nasisiraan ng bait

Kapag nasisilayan kita

Habang ako’y iyong hinahalina.  

Napakagandang pagkakataon

At ikaw ay natutulog

Ako nama’y dahan-dahang

Gagapang sa gitna ng dilim

Hihipuin ko unti-unti ang iyong

Likod hanggang sa iyong

Leeg papunta sa iyong tainga

Sabay na aamuy-amuyin

Hahalikan at pagpipistahan.  

Nararamdaman mo na ako

Nakikiliti ka na sa aking paghipo

Ngiti sa iyong labi aking nasisilayan

Kinikilig, inaapoy sa sarap

At ako nama’y patuloy

Na mangingiliti, manlalambing

Tapos dahan-dahan akong

Bubulong sa iyong tainga…

“Nakikiliti ka na ba?”

Sabay sabing

“IPIS AKO!”

Pagkatapos ng aking pagtatapat ay

Wala na akong maalala pa.

1 Puna

  1. ang husay nakakasabik na nkakatwa sana gmawa kpa ng mas marmi pgbutihn mo ah! gud lock///


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s