Mga Piniratang Akda: Nakakasira sa mga baguhang manunulat!

ni Demogargon Saatbarmald

SA PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA ay nakakaisip ang mga tao na gumawa ng masama. Oo. Gumawa ng masama. Dahil sa teknolohiya, lumaganap ang mga pirated na sex video, pirated DVDs… AT PATI NA RIN PIRATED NA BOOKS. Tama ang pagkakabasa mo. PIRATED BOOKS o yung mga illegal copies ng librong copyrighted.

Isa ako sa mga tagahanga ni Bob Ong (Kumpleto ang collection kong 6 na libro niya – all original) at laging updated sa mga librong ilalabas niya. Isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napabisita ako sa isang website na naglalaman ng mga “E-books”. Pagbukas ko sa link ay bumungad sa akin ang “E-book” ng mga libro ni Bob Ong! Sabi ko, “WOW!” ngunit napag-isip-isip kong aanhin ko pa iyon kung mayroon naman ako na bound na original copy. Sa pagreresearch ko, illegal pala ang “E-book” na ito. Ayon kay Bob Ong, wala siyang ipinapublish sa internet na PDF copy ng kanyang mga libro. Dahil dito, ang illegal ang naturang “E-book” website na iyon. At ang pamimirata ng mga libro ay nakapagpapabagsak ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan.

Ayon sa ating batas, PLAGIARISM ang puwedeng ikaso sa mga taong nasa likod ng pamumudmod ng illegal copy ng libro. Photocopy, Scanned or PDF, lahat iyan ILLEGAL kung walang pahintulot ng may akda at ng publisher. Ang bawat akda ng isang manunulat, bago pa man mai-publish ay ipinapa-copyright ito (Sa Pilipinas, ang copyright ay isinasagawa sa Security and Exchange Commission o SEC). Ang copyright ay tumatagal mahigit 10 hanggang 100 taon. Kung gagamit ang isan tao ng copyrighted material ay maaari siyang makulong depende sa punishment ng batas. Kung excerpt lang ang gagawin sa isang copyrighted material ay kailangang humingi ng pahintulot sa may akda at sa publisher sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong kahilingan na kumuha ng excerpt at hindi buong libro! Doon ay magkakasundo ang taong gagamit ng excerpt at ang may akda at ito ay may nakalaan na bahagi o porsiyento sa mga na-excerpt na libro.

Sa mga gumagawa ng plagiarism. Pakiusap, huwag niyo nang ituloy sapagkat makakasama ito hindi lamang sa manunulat kundi pati na rin sa inyo. Tangkilikin ang original na libro at huwag magpaloko sa mga pirated na kopya. Kung makikiisa ka, matutulungan mo ang mga nasa likod ng paglalathala ng libro.

Makiisa! Huwag magpaloko!

Mga Puna

  1. dapat lang na bigyan ng karampatang parusa ang mga gumagawa ng ganyang bagay!
    nakakatulong nga na magbigay ng impormasyon spara sa iba ngunit maaari itong magdulot ng masama at nagpapakita din ito ng kawalang galang sa isang awtor.

  2. say no to plagiarism!

  3. fan rin ako ni bob ong..hahaha..kumpleto rin ako ng books nya😀

  4. ang galing sir bob ong,, astig yung libro nya lahat may ibig sabihn..


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s