NATUTULOG NGA BA ANG DIYOS?

 by: Ryan Charles Hernando, Letran

Copyright 2006, Intraknight

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit nga ba puro pagsubok ang dumarating sa ating buhay? Kung minsan nga’y sunud-sunod pa itong dumarating kahit hindi pa natatapos ang isa. Sabihin na nating nasanay ka sa marangyang buhay. Walang pakundangang pagwawaldas ng pera. Ngunit bigla itong nawala sa iyo. Ang kumpanya ng iyong ama ay biglang binalot ng mga welga dahil sa maling pamamalakad. Nademanda ang iyong ina ng kasong estafa dahil sa mga hindi nabayarang utang sa paglalaro ng madyong. Iniwan ka ng iyong kasintahan dahil sa iyong di maiiwasang bisyo. Hanggang sa sumikat ka sa paaralan dahil ilang oras na lamang ang natitira, “college dropout” ka na. Naiwan ka sa isang madilim na sulok. Na ang tanging natitira ay ang tali, gamot at kutsilyo. Ano ang gagawin mo?

 

            Ito ay isa lamang eksena na maaari nga na sa pelikula mo makikita, ngunit ito ay sumasalamin sa bawat suliranin ng bawat isa sa atin. Sa ganitong panahon, pagpapakamatay nga siguro ang naiisip ng karamihan ngunit mas malimit na tanungin nila ang Panginoon. Kung siya ba ay natutulog habang tayo ay naiipit sa gabi ng kasawian o kung siya ba ay talagang nandyan. Ito ang sinagot at binigyang-solusyon ng awiting NATUTULOG BA ANG DIYOS?

  

            Bakit nga ba sa bawat pagkakataon ng magkakaroon ng suliranin, mas nasisisi pa ang Poong Maykapal? Agad-agad sumusuko sa mga natatanggap na mga suliranin at waring wala nang patutunguhan. Naisip ba nila kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang mga suliranin?

  

            Kung minsan, ang kapabayaan ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit umaabot sa sukdulan ang dinadala ng isang tao. Alam na niyang siya ay may problema, patuloy pa niya itong hahayaan at minsan ay daragdagan pa. Hihintayin pa na siya ay mapuno at sumabog. At imbis na gawan na ito ng solusyon, magmumukmok pa sa isang tabi at doon iiyak, hahagulgol, maaawa sa sarili hanggang isisi lahat ng nangyari sa Panginoon.

  

            Ang kawalan ng tiwala sa Panginoon ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala na magkaroon ka pa ng pag-asang makaahon sa dusa. Kahit anong mangyari ang Panginoon ay kasama natin. Ngunit pilit mong isinasara ang iyong puso sa kanyang presensiya.

  

            Ikaw ang gumuguhit ng iyong tadhana. Ikaw ang sumusulat ng sarili mong aklat, nagpipinta ng sarili mong larawan at bumubuo ng piyesa ng iyong musika. Kung ano man ang kinalabasan, hindi mo man ito kagustuhan, ikaw rin ang gagawa ng paraan upang ito ay masolusyunan. ‘Yan ang reyalidad. Ang katitihanan ng kuwento ng iyong buhay.

  

            Matapos mong maitanong sa iyong sarili ang mga duda at sentimyento ng iyong emosyon, matapos mong tanungin ang Panginoon, ngayon naman ay itanong mo sa iyong sarili: “Natutulog ba ako sa katotohanan ng aking buhay?”

1 Puna

  1. nice work!!!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s