Kompetisyon

by April Lyn Peñaflorida, Letran

Copyright 2007, Intraknight

Kampihan o isahan

Laro’y pinagtatalunan

Sa laranga’y may tagisan

Ng kanya-kanyang kakayahan.

  

Sa palakasan o katalunuhan

Pangalan mo’y nakalaan

Bigo man sa’yong nakaraan

May pag-asa sa kasalukuyan.

  

Nangunguna man o nahuhuli

Kailangan ang pagpupursigi

Huwag pabayaang magapi

Sa panalo’y malaki ang maiuuwi.

No Comments Yet

Walang puna.

Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI

Mag-iwan ng puna